Katangiang Pisikal Ng Timog Silangangang Asya
Katangiang pisikal ng timog silangangang asya
Answer:
Explanation:
Ang mainland Southeast Asia ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malalaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China. Ang kabundukan at talampas na ito ay siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong, at Red River.
Sa kabilang dako, ang insular South East Asya ay binubuo rin ng mga kapuluang nakakalat sa karagatan. Kabilang ditto ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong tinatawag na Ring of Fire na matatagpuan sa Pacific Ocean. Ang Ring of Fire
ay isang malawak na sona kung saan madalas na nagaganap ang mga paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan. Hitik sa bulkan ang mga lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.
Comments
Post a Comment